KAPARARAKAN
DALA-DALAHAN
KASALUKUYAN
KATALINUHAN
nakita ko kaagad ang ganda ng parisukat
na isasagot na salita'y nagsala-salabat
nagkakaugnayan sila't madaling madalumat
bagamat sa pagtugon ay sadyang napakaingat
Siyam Pahalang: Pakinabang ay KAPARARAKAN
sa Tatlumpu't Apat ay: Abastos - DALA-DALAHAN
Una Pababa: Ang ngayon nama'y KASALUKUYAN
Walo Pababa: Karunungan ay KATALINUHAN
madalas pag ganito ang krosword, nakalulugod
sa maghapong trabaho'y nakakatanggal ng pagod
animo mula ulo't kalamnan ko'y hinahagod
kahit ako'y parang kalabaw na kayod ng kayod
maraming salamat sa dinulot nitong ginhawa
kaya nakakapahinga ang katawan ko't diwa
- gregoriovbituinjr.
07.12.2024
* krosword mula sa pahayagang Abante Tonite, Hulyo 10, 2024, p.7
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento