PAMILYA'Y NAUTAS SA KIDLAT
madalas, di inaasahan
ang pagdating ng kamatayan
paano ba paghahandaan
kung ang insidente'y biglaan
tulad ng natunghayang ulat
na pamilya'y namatay lahat
dahil tinamaan ng kidlat
balita ngang nakagugulat
nasa labasan sila noon
nang tamaan ng kidlat doon
namatay agad sila roon
pasado alas-tres ng hapon
anong aral ang makakatas
bakit mag-anak ay nautas
sadya bang kanila nang oras
ganyang nangyari'y di mawatas
- gregoriovbituinjr.
06.08.2024
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, Hunyo 7, 2024, headline at pahina 2
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento