HIMATON AY YOU AT YOUR
sa cryptogram na palaisipan
YOU at YOUR ang himaton ko o clue
imbes THE o THEM ang kasagutan
dahil sinilip ang angkop dito
salamat sa dyaryo't may libangan
at pinagkakaabalahan ko
pag nagbabantay sa pagamutan
kay misis na naopera rito
kaysarap laruin ng cryptogram
na pampatalas ng ating ulo
na talaga mong kagigiliwan
pampatay-inip at ehersisyo
- gregoriovbituinjr.
10.03.2024
* "When you change your thoughts, remember to also change your world." ~ Norman Vincent Peale
* mula sa Philippine Star, Nobyembre 3, 2024, p.2
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento