AMA BILANG BAYANI SA PAMILYA
sa bawat anak, bayani ang tatay
lalo't di nito bisyo ang tumagay
kundi anak ay pag-araling husay
anak nama'y makikinig na tunay
sa amin, si Dad ay isang bayani
na talagang maipagmamalaki
nagawaran pa siya ng Employee
of the Year noon ni Pangulong Cory
nagtrabaho sa kabila ng hirap
ng buhay ay talagang nagsumikap
sa pamilya'y tunay na may pangarap
na ginhawa'y makamit naming ganap
wala na si Dad, na namayapa na
sa edad niyang walumpu't dalawa
pagpupugay sa iyo, aming ama
tangi kong masasabi'y "Mabuhay ka!"
- gregoriovbituinjr.
04.17.2024
* litrato mula sa app game na Word Connect
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento