RAMBOL
app game na Word Connect ay kaysarap laruin
sa panahong pahinga muna sa gawain;
ang nirambol na letra'y iyong bubuuin
upang maging salitang madalas gamitin
pamparelaks ng isip ang nasabing laro
ramdam mo man ay lumbay, dusa't pagkabigo
magkonsentra lang, matatanggal ang siphayo
tatalas ang diwa't kaysaya pag nabuo
COURSE at SOURCE, parehong bilang, parehong titik
CAUSE at SAUCE, saguting walang patumpik-tumpik
AVAILS at SALIVA, kaya mong walang imik
TIDE, DIET, EDIT ang sagot ng matalisik
mga nirambol na titik pag nabuo mo
ay mahahasa ang iyong bokabularyo
pasensya na't Ingles ang salitang narito
ngunit nakakatuwa pag nilaro ito
- gregoriovbituinjr.
01.25.2024
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento