Sabado, Mayo 17, 2014

Dulang "Ang Halimaw sa Tubig" sa Open-Air Auditorium sa Luneta, May 17, 2014

Dalawang gabing ipinalabas nitong Mayo 2014 ang dulang "Ang Halimaw sa Tubig" sa Open-Air Auditorium sa Park sa Luneta, Mayo 16 at 17, 2014, sa ganap na ikaanim hanggang ikapito ng gabi.

Sinimulan ang palabas sa pag-awit ng Lupang Hinirang, at paliwanag ng emcee ng palatuntunan na si Pia Marie Paulican. Inawit naman sa entablado ang awiting pangkalikasan ng bandang ASIN, ang "Masdan mo ang kapaligiran", na may ilang pagbabago sa liriko ng awit, lalo na hinggil sa ilog.

Napakapayak ng kwento, ngunit napakabisa ng mensahe. Sa dula'y nagkwento ang isang matanda sa kanyang apo na nakita niya noon ang isang magandang diwata ng tubig. Maganda pa noon ang kalikasan, may mga ibong nagliliparan at mga isdang naglalayungan sa malinis na ilog. Ngunit dahil sa pagtatapon ng mga basura sa ilog, ang diwata ng tubig ay naging halimaw. Ito ang nagpapakita sa batang si Rosa, at dahilan ng pagkakasakit ng maraming bata sa pamayanan.

Hindi maniwala ang taumbayan sa sinasabing nakitang halimaw ng bata, ngunit sa kalaunan ay nakita rin ito ng marami sa pamayanang iyon.

Nang mapagtanto ng taumbayan na ang halimaw na sinasabi ni Rosa ay ang mga basurang itinapon sa ilog, agad nilang nilinis ang ilog mula sa mga basurang pinamugaran na ng mga lamok at iba pang parasito.

Nang luminis ang ilog ay nagpakita sa kanila ang diwata ng tubig, at sinabi nitong siya ang halimaw. Ngunit hindi niya iyon kagustuhan. Bagkus ang dahilan ng kanyang pagiging halimaw ay ang mga taong nagtatapon ng basura sa kanyang ilog na tahanan.

Marapat na ipalabas sa mas maraming manonood ang dulang "Ang Halimaw sa Tubig" dahil sa napakagandang mensahe tungkol sa kapaligiran, lalo na sa kalinisan ng ating mga ilog na hindi dapat tinatapunan ng basura.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Rebulto ni Emilio Jacinto malapit sa Manila City Hall

Rizal national monument in Luneta


Saan ang ManilaMed?


Marker ng MET

Lunes, Mayo 5, 2014

Ilang kuha sa Concert of the Park, Mayo 4, 2014


Ang programa (back-to-back pages):

Ang lugar na pinagbitayan sa Gomburza

Kuha ang mga litratong ito sa Luneta. Ang bantayog na ito ay nasa pagitan ng Rizal Shrine at ng bulwagan ng Concert at the Park.

Huwebes, Mayo 1, 2014

Paalala mula sa Hotel Sogo sa Recto Avenue sa Maynila

Malinaw, madaling maunawaan, at magandang paalala sa atin ng isang hotel sa Maynila, na dapat nating panatilihing malinis ang ating lungsod, kaya ang munting basura natin, halimbawa ay balat ng kendi, ay ibulsa muna, hanggang sa makakita na tayo ng basurahan na dapat pagtapunan ng balat ng kendi. Ang mga basurahan ay dapat na magkakabukod, may para sa nabubulok, tulad ng balat ng prutas at papel, at para sa hindi nabubulok, tulad ng balat ng kendi, anumang plastik, at bote. Ang mga litrato ay kuha ni Greg Bituin Jr., habang naglalakad sa Recto Avenue sa Maynila, matapos ang isang malaking pagkilos ng mga manggagawa sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa, Mayo Uno, 2014.